AmuaCare

Read in English

Para sa pasyente

PhilHealth Yakap: ano ang makukuha mo, at paano magsimula

Ang Yakap ay programa ng PhilHealth para manatili kang healthy: libreng check-up, laboratory tests at gamot sa Yakap clinic na pipiliin mo. Narito ang paliwanag sa simpleng salita.

Ang makukuha mo

Libre sa iyong Yakap clinic

Check-up

Libreng consultation sa Yakap clinic kung saan ka naka-register, at follow-up check-up ayon sa payo ng doktor mo.

Laboratory tests

Ang mga test na irerekomenda ng doktor mo, sa clinic o sa partner laboratory nito.

Cancer screening

Kapag may referral ng doktor mo: mammogram, breast ultrasound, low-dose chest CT scan, alpha fetoprotein, liver ultrasound at colonoscopy, sa mga accredited facility.

Gamot

Hanggang ₱20,000 kada taon para sa bawat member at bawat dependent, mula sa listahan ng PhilHealth na may 75 gamot, sa mga accredited na pharmacy.

Depende ang benefits sa pangangailangan mo at sa payo ng doktor mo.

Paano magsimula

Mag-register sa isang Yakap clinic

  1. 1

    Ihanda ang iyong PhilHealth number (PIN)

    Kailangan mo ito para mag-register.

  2. 2

    Pumili ng Yakap clinic

    Makikita ang listahan ng accredited Yakap clinics sa eGovPH app o sa website ng PhilHealth, o magtanong sa PhilHealth office.

  3. 3

    Mag-register

    Sa eGovPH app, sa PhilHealth Member Portal, sa kahit anong PhilHealth office, o mismo sa Yakap clinic.

  4. 4

    I-register din ang dependents mo

    Sa parehong clinic o sa ibang mas malapit sa kanila.

  5. 5

    Pumunta para sa first visit

    Kapag registered ka na, pumunta sa Yakap clinic mo para sa unang consultation at health check.

Sa clinic

Ang first visit mo, at pagkatapos

  • Iche-check ng doktor ang health mo at puwede siyang mag-recommend ng laboratory tests, sa clinic o sa partner laboratory nito.
  • Ang doktor lang ng Yakap clinic mo ang puwedeng magbigay ng reseta at referral na kailangan para sa libreng test, screening at gamot.
  • Para sa gamot, magrereseta ang doktor mo gamit ang GAMOT App ng PhilHealth. Sa accredited na pharmacy (may sign ito sa labas), ipakita ang reseta o ang code nito, at isang government-issued ID. Dagdag tungkol sa gamot sa Yakap.
  • Ang maintenance medicines ay puwedeng ireseta nang hanggang tatlong buwan; isang buwan ang ibibigay ng pharmacy sa bawat kuha.
  • Huwag kalimutan ang follow-up check-up, para makita ng doktor mo kung kumusta ka na.

Ang records mo

Kung AmuaCare Yakap ang gamit ng iyong clinic

Hihingin ng clinic mo ang consent mo ayon sa Data Privacy Act of 2012 bago i-record ang details mo. Mananatili sa clinic mo ang records mo, hiwalay sa records ng ibang clinic, at bawat staff ay makikita lang ang kailangan sa trabaho niya. Paano namin iniingatan ang records (in English).

Questions

Mga madalas itanong

Sino ang puwedeng gumamit ng PhilHealth Yakap?

Lahat ng Pilipino, member man o dependent, bata man o matanda. Kailangan mo lang mag-register sa Yakap clinic na pipiliin mo.

May babayaran ba ako?

Libre ang benefits sa mga Yakap clinic. Ang private Yakap clinic ay puwedeng maningil ng hanggang ₱900 bawat pasyente para sa isang buong taon.

Puwede ba akong dumiretso sa pharmacy para sa libreng gamot?

Hindi. Kailangan mo muna ng reseta mula sa doktor ng Yakap clinic kung saan ka naka-register.

Puwede bang iba ang kumuha ng gamot ko?

Oo. Magdala lang sila ng authorization letter, ng valid ID mo, at ng sarili nilang valid ID.

Paano kung lumampas sa ₱20,000 ang gamot ko sa isang taon?

Ang gamot na lampas sa ₱20,000 na limit kada taon ay babayaran na ng member. May sariling ₱20,000 ang bawat member at bawat dependent.

Bahagi ba ng PhilHealth ang AmuaCare?

Hindi. Ang AmuaCare ang gumagawa ng record system na gamit ng ilang Yakap clinic. Para sa membership o registration mo, magtanong sa PhilHealth.

Para sa kahit anong tanong tungkol sa membership mo, magtanong sa PhilHealth

  • Hotline (02) 8662-2588 (24/7)
  • Call o text: Smart 0998-857-2957, 0968-865-4670; Globe 0917-127-5987, 0917-110-9812
  • Email [email protected]

Source: Frequently Asked Questions on PhilHealth Yakap ng PhilHealth (as of July 31, 2025) at PhilHealth Yakap. Last reviewed: November 16, 2026. Puwedeng magbago ang rules ng PhilHealth; alamin sa PhilHealth ang pinakabago.